^

Police Metro

3 parak na kidnaper, 3 pa tinutugis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ng mga otoridad ang 6 miyembro ng isang notoryus na kidnapping for ransom (KFR) gang kabilang ang tatlong aktibong pulis, isa rito ay lider kaugnay nang pagdukot kamakailan sa isang ginang na negosyante sa lalawigan ng Laguna.

Ang mga pinaghahanap na mga suspek ay kinilalang sina PO1 Michael Siervo, lider ng KFR gang mga kasamahan nitong sina PO1 Ronald Carandang at PO2 Jonathan Galang.Isa nilang kasama na si PO2 Gerald Bonifacio ay nasawi matapos patayin ni PO2 Galang dahilan sa onsehan ng partehan ng pera sa kanilang illegal na gawain. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo nilang kasamahan.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde,  ang mga suspect ay natukoy na responsable sa pagdukot kay Bonifacia Arcita  sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna noong Hulyo 29 ng mada­ling araw.

Una ng kinasuhan sa illegal drug trade si Arcita, pero nadismis ng korte dahilan ang mga umupa sa apartment nito ang tulak ng droga.

Si Arcita ay nasagip ng mga operatiba ng PNP-AKG noong Agosto 1, 2018  sa bodega sa Purok 4, Brgy. Tranca, Bay, Laguna kung saan natukoy sa follow-up investigation na pag-aari ni Siervo ang pinagtaguan sa biktima.

Sa salaysay ng anak ni Arcita na si Celestina na nakatanggap siya ng tawag sa mga kidnaper na hu­mingi ng P300,000.00 ransom demanda at  naibaba nila ito sa P 120.000.

Humingi ng tulong sa PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)  si Celestina matapos na magbanta ang mga kidnaper na papatayin ang kanyang ina sa oras na hindi maibigay ang P100,000 matapos niyang makapagpadala ng inisyal na ransom na P20,000.00 sa pamamagitan ng Smart Pera Padala.

Ang ginang ay pinalaya sa Brgy. Sto. Domingo, Sta Rosa City, Laguna matapos na nagsagawa ng backtracking operation ang PNP-AKG operatives sa safehouse na pinagtaguan sa ginang sa Purok 4, Brgy. Tranca, Bay, Laguna at dito na narekober ang kulay berdeng Toyota Corolla na may plakang WBH (840) na ginamit sa kidnapping.

Narekober sa loob ng behikulo ang isang granada, isang MP4 Bushmaster  na may  M203 grenade laun­cher, apat na  M16 rifle na may  75  piraso  ng bala;  tatlong piraso ng M203 grenade, isang PNP GOA C uniform, badge number 210122  na nakapangalan kay Siervo.

vuukle comment

KIDNAPPING FOR RANSOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with