2 CAFGU tigok sa engkuwentro

Ayon kay Captain Joash Pramis, tagapagsa­lita ng Army’s 9th Infantry Division (ID) bandang alas- 8:30 ng umaga nang mangyari ang bakbakan sa nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU habang apat pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang tinatayang 30 miyembro ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa naganap na bakbakan sa Purok Mangga, Brgy. Mactan, Cawayan, Masbate nitong Biyernes ng umaga.

 

Ayon kay Captain Joash Pramis, tagapagsa­lita ng Army’s 9th Infantry Division (ID) bandang alas- 8:30 ng umaga nang mangyari ang bakbakan sa nasabing lugar.

 Kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang mga tauhan ng Army’s 2nd Infantry Battalion kasama ang mga elemento ng Cafgu nang masabat ang mga armadong rebelde na nangongotong sa mga residente.

Sa nasabing pagpa­panagpo ay agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit sa 20 minuto na ikinasawi ng dalawang Cafgu, samantalang tatlo pa ang sugatan sa kanilang hanay at isa naman sa militar.

Pinaniniwalaan namang nagtamo rin ng mga sugatan ang mga terorista base sa mga patak ng dugo na nakita sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Show comments