^

Police Metro

Bihag na pulis ng NPA pinalaya - SAP Go

Joy Cantos, Rudy Andal, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Bihag na pulis ng NPA pinalaya - SAP Go
Kausap ni SAP Bong Go si Police Inspector Menardo Cui na kanyang sinundo sa kuta ng NPA rebels matapos na ito ay dukutin noong December 28, 2017.

MANILA, Philippines — Tuluyan ng pinalaya ang deputy chief of police ng President Roxas, North Cotabato na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na may 7 buwan na ang nakakalipas matapos na siya ay personal na sunduin kahapon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa kuta ng mga rebelde.

 

Batay sa ulat, ilang buwan din ang naging negosasyon bago pumayag ang NPA na i-turn over kay Pangulong Rodrigo Duterte si Police Inspector Menardo Cui na dinukot noong December 28, 2017.

Dito ay inatasan ni Pangulong Duterte si SAP Go na sunduin sa kuta ng NPA si Cui para i-turn over  sa PNP-Region 11.

Nangyari ang pagpapalaya kay Cui sa Sitio Apog Apog, Barangay Panaka, Magpet, North Cotabato na kung saan ay sinamahan din ni Go si Cui  kay  PNP-11 Director Manuel Gaerlan.

Nabatid na dinukot ng mga hindi nakilalang suspect si Cui noong December 28, 2017 na kalaunan ay inako ng mga rebelde.

Habang nasa kamay ng mga rebelde, nagpadala ng video si Cui  na nagsasabing maayos ang trato sa kanya habang umapela siya kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ituloy ang peace talks  kahit sa pamamagitan ng back channel lamang samantalang nanawagan siya sa AFP ng pansaman­talang suspension ng mi­litary operations sa lugar.

Si Pangulong  Duterte ay kilalang kaibigan ng mga rebelde noong alkalde pa lamang ito sa Davao kung saan kasa-kasama si Go sa pagdalaw ng mga ito sa kuta ng mga rebelde.

Pinayuhan ni Go si Cui na bago ang lahat ay unahin nya ang pagbisita sa puntod ng pumanaw na asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with