^

Police Metro

National TF vs hired killers

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa nalalapit na ang eleksyon ay nauuso ang pagpatay sa ilang local officials kaya’t iminungkahi ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtatag ng National Task Force na tututok sa crackdown laban sa private armed groups at mga hired killers.

Anya, dapat umanong maging maagap ang mga otoridad dahil sigurado na darami ang mga pupuntirya­hing lokal na opisyal habang papalapit ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre.

Malaki ang paniwala ni Sarmiento na itatag ang National Task Force at tututok lamang sa pagbuwag ng private armed groups at hired killers na mas malaki ang tsansa na mapahinto ang nasabing grupo.

Kung hindi agad kikilos ang PNP at AFP ay posibleng maging madugo na naman ang 2019 elections dahil nandiyan pa rin ang political warlords.

Kung sakali na maitatag ang National Task Force ay unahin ang mga lugar na tradisyonal na magulo at mainit sa tuwing eleksyon.

EDGAR MARY SARMIENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with