Drug pusher ng mga call center agents, napatay

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano ay nagbebenta ng droga sa mga call center agents sa area ng Pasig City at Cainta ang nasawi matapos na ito ay manlaban sa mga otoridad sa isang drug bust operation kahapon ng madaling araw sa Cainta, Rizal.

Ang suspek na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Randy Miranda, nasa hustong gulang.

Bago nangyari ang shootout dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nagkasa ng buy bust operation ang mga pulis sa Morning Glory St., Barangay San Isidro na kung saan ay nakabili ng shabu sa halagang P1,000 ang poseur buyer mula sa suspek.

Nang mag-abutan ng items ay inaresto ang suspek, subalit nanlaban ito at bumunot ng baril kaya’t inunahan na siya ng mga pulis.

Nasamsam sa suspek ang 22 pakete ng hinihinalang shabu, na tinatayang may 100 gramo ang timbang, at may estimated street value na P680,000, isang kalibre .38 revolver, P1,000 marked money at timbangan.

Show comments