MANILA, Philippines — Popondohan na ang national feeding program para sa mga pampublikong paaralan matapos na lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11037 o ang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act”.
Ito ang tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Davao City Congressman Karlo Nograles dahil inihahanda na ng kanyang komite kung magkano ang kakailanganing pondo sa nasabing mahalagang lehislasyon .
Ito ay dahil isa ito sa mga programa ng administrasyong Duterte para makatulong sa mga magulang na Filipino na makakuha ng best education at best nutrition para sa kanilang mga anak.
Patuloy namang naghahanap ang kongresista kung saan kukunin ang podo para sa implementasyon ng nasabing programa.
Nangako naman si Nograles na ang nasabing programa ay matutulad din lang sa implementasyon ng free higher education law na kahit walang pondo ay naipatupad at nakahanap ng pagkukunan ng pondo.