^

Police Metro

Shootout: 4 miyembro ng kulto, napatay

Joy Cantos - Pang-masa
Shootout: 4 miyembro ng kulto, napatay
Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ay nagsagawa ng law enforcement operation sa Brgy. Cumaron ang pinagsanib na mga ­elemento ng Midsalip Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Sr. Inspector Kenneth Soon, Task Force Tugis ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Mobile Force (RMF) 9 bitbit ang warrant of arrest laban sa 4 suspek na nahaharap sa kasong murder.
File

MANILA, Philippines — Patay ang 4 miyembro ng isang grupo ng kulto na umano’y kumakain ng atay ng tao matapos na makipagbarilan sa mga aarestong pulis sa naganap na shootout kahapon ng umaga sa Midsalip, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ay nagsagawa ng law enforcement operation sa Brgy. Cumaron ang pinagsanib na mga ­elemento ng Midsalip Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Sr. Inspector Kenneth Soon, Task Force Tugis ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Mobile Force (RMF) 9 bitbit ang warrant of arrest laban sa 4 suspek na nahaharap sa kasong murder.

Pinamumunuan ng grupong kulto nina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan pawang mga wanted na kriminal sa kanilang lugar.

Sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang mga suspek na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng 4 suspek na ang dalawa ay inaalam pa ang pangalan.

KULTO

RAMON BANTAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with