MANILA, Philippines — Nagbabala si Ilocos Gov. Imee Marcos sa maaaring manipulasyon sa presyo ng asukal matapos umabot sa 50 porsyento ang itinaas ng presyo nito sa nakalipas na ilang buwan.
Ayon kay Gov.Marcos, walang kakulangan sa asukal sa mga lokal na merkado ngunit ang hindi anya makatwirang pagtaas ng presyo ay nagdudulot sa mga mamimili na maghinala na ang mga supplier ay nag-iipit ng suplay upang maitulak ang pagtaas ng presyo.
“The latest macro supply and demand data show there is no shortage. At bagsak ang presyo ng asukal sa global market, sa atin lang tumataas kahit baha ang supply,” sabi ni Marcos.
Ang presyo ng Abril 15 na bid para sa asukal, na kailangang maipatupad ng Setyembre 2018 para sa lokal na merkado ay sa P1,685.88 sa bawat 50 kilo bag, mas mataas ng halos 20% kaysa sa bid price na P1,432.56 para sa parehong panahon ng 2017 crop year.
Sinabi ni Marcos na noong Abril 22, umabot sa P1,694.33 ang presyo ng bid.
“Ngunit hindi dapat tignan ang pagkakaiba-iba ng pagpepresyo na hindi maaaring maipaliwanag sa karaniwang mamimili. Dapat tayong magbantay laban sa mga manipulistang ito na nagsasabotahe sa interes ng mga mamimiling Pilipino,” sabi ni Marcos.