^

Police Metro

Hepe, 3 PO1 sa kaso ni ‘Tisoy’ sinibak

Pang-masa
Hepe, 3 PO1 sa kaso ni âTisoyâ sinibak
Genesis “Tisoy” Argoncillo
File

MANILA, Philippines — Sinibak na sa kanilang mga puwesto ang hepe at ang tatlong tauhan nito na umaresto kay Genesis “Tisoy” Argoncillo, ang lalaking nasawi sa loob ng selda ilang araw matapos hulihin sa kasong alarm and scandal.

Sa ulat ni QCPD Director, P/Chief. Supt Joselito Esquivel Jr. kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/Chief. Supt Guillermo Lorenzo ­Eleazar, nabatid na ang mga ni-relieved na pulis ay sina P/Sr. Insp Cyril Dagusen, hepe ng PCP-3 ng QCPD Station 4 at tatlo nitong tauhan na sina PO1 Ruel Tubat, PO1 Paulo Lopez Jr. at PO1 Paul Hector Calderon.

Nabatid naman na inilipat ang apat sa District Headquarters Support Unit (DHSU) sa Camp Tomas Karingal, Quezon City. 

Sinabi ni Esquivel, isinasailalim na ngayon sa Pre-charge Evaluation ang apat para madetermina ang administrative liability ng mga ito dahil sa pagkamatay ni Tisoy sa loob ng selda.

Una dito ay ni-relieved ni Esquivel ang PS 4 Commander, na si P/Supt Carlito Grijaldo dahil din sa pagkamatay ni Tisoy habang nasa loob ng selda.

GENESIS “TISOY” ARGONCILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with