^

Police Metro

Joma laos na... Duterte: Giyera kontra CPP-NPA tuloy

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pang-masa
Joma laos na... Duterte: Giyera kontra CPP-NPA tuloy
Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte matapos na tanggapin ang hamon ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na abandonahin ang peace talks.
File

MANILA, Philippines — Itutuloy ng pamahalaan ang mga operasyon laban sa armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang New People’s Army (NPA).

Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte matapos na tanggapin ang hamon ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison na abandonahin ang peace talks.

Ayon kay Pangulong Duterte, walang problema sa kanya kung nais ni Sison na ipagpatuloy ang giyera na tumatagal na ng 50 taon.

Minaliit din ni Pangulong Duterte ang sinabi ni Sison na mas makabubuti pang lumahok ang CPP sa mga hakbang para patalsikin siya kaysa sumali sa peace talks sa kanyang administrasyon.

Ayon naman kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, laos na at kumita na ang mga boladas ni Sison kaya marami ng NPA ang hindi naniniwala sa kanya dahil sa patuloy niyang pagpapasarap sa komportable niyang buhay sa Netherlands.

Alam na rin umano ng mga NPA na sa tuwing inuutusan sila ni Sison na lumaban sa gobyerno ay pinapadala sila sa kamatayan habang nagpapa­sarap ang kanilang lider sa naturang bansa.

Dapat umanong mahiya ang lider ng mga NPA dahil inaabandona niya ang kanyang mga mandirigma kaya naman nagsisibaba na sila sa mga kabundukan para magkaroon ng tahimik at produktibong buhay.

Sa kabila umano ng pahayag ni Sison ay itutuloy pa rin ng militar ang pagpupursige sa ongoing localized peace talks dahil sigurado umanong magkakaroon ng tunay na kapayapaan kapag nawala sa eksena ang founding chairman ng CPP-NPA-NDF.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with