Pasaway hulihin ‘di tambay

Naniniwala si Gatchalian na mas magiging malinaw ang intensiyon ng operasyon lalo pa’t nakakalito ang ‘anti-tam­bay’ kung saan hinuhuli kahit nakatayo lamang sa kalye.
Michael Varcas

 Hiling sa PNP..

MANILA, Philippines — Ang dapat hulihin ay ang mga taong pasaway at hindi ang mga tambay na wala namang ginagawang paglabag sa batas

Ito ang hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa

Philippine National Police na baguhin ang kanilang anti-tambay operation at palitan ito ng “anti-pasaway.”

Naniniwala si Gatchalian na mas magiging malinaw ang intensiyon ng operasyon lalo pa’t nakakalito ang ‘anti-tam­bay’ kung saan hinuhuli kahit nakatayo lamang sa kalye.

Ang dapat anyang hulihin ay yung mga umiinom sa kalye at gi­nagawang ekstensiyon ng kanilang bahay ang kalsada.

“Dapat nga lang ma­linaw kung ano ang in­tentsyon ng mga pulis sa operasyon na ito. Kaya nga ho ang kanilang cam­paign na ‘anti-tambay’ ay very confusing dahil hindi naman ho pwede na porket nakatayo ka lang

 sa kalye ay huhulihin ka na at dadalhin sa presinto. Ang dapat huliin dito ay ‘yung mga pasaway na umiinom, nagsusugal sa kalsada,” sabi ni Gatch­alian.

Hinikayat din ni Gatchalian ang mga bagong halal na opisyal ng mga barangay na gumawa ng aksiyon laban sa mga nag iinom,nagsusugal at iba pang aktibidad sa kanilang mga nasasaku­pan na hindi nakakatu­long sa pamayanan.

Show comments