Pasaway hulihin ‘di tambay
Hiling sa PNP..
MANILA, Philippines — Ang dapat hulihin ay ang mga taong pasaway at hindi ang mga tambay na wala namang ginagawang paglabag sa batas
Ito ang hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa
Philippine National Police na baguhin ang kanilang anti-tambay operation at palitan ito ng “anti-pasaway.”
Naniniwala si Gatchalian na mas magiging malinaw ang intensiyon ng operasyon lalo pa’t nakakalito ang ‘anti-tambay’ kung saan hinuhuli kahit nakatayo lamang sa kalye.
Ang dapat anyang hulihin ay yung mga umiinom sa kalye at ginagawang ekstensiyon ng kanilang bahay ang kalsada.
“Dapat nga lang malinaw kung ano ang intentsyon ng mga pulis sa operasyon na ito. Kaya nga ho ang kanilang campaign na ‘anti-tambay’ ay very confusing dahil hindi naman ho pwede na porket nakatayo ka lang
sa kalye ay huhulihin ka na at dadalhin sa presinto. Ang dapat huliin dito ay ‘yung mga pasaway na umiinom, nagsusugal sa kalsada,” sabi ni Gatchalian.
Hinikayat din ni Gatchalian ang mga bagong halal na opisyal ng mga barangay na gumawa ng aksiyon laban sa mga nag iinom,nagsusugal at iba pang aktibidad sa kanilang mga nasasakupan na hindi nakakatulong sa pamayanan.
- Latest