^

Police Metro

Kadamay aarestuhin na

Joy Cantos - Pang-masa
Kadamay aarestuhin na
Ito ang naging babala kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde sa gitna na rin ng ginawang pagtatangka ng nasa 500 miyembro ng Kadamay na illegal na okupahan o tirhan ang sinugod na housing pro­jects ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal .
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nakatakdang arestuhin at sampahan ng kaso ang grupong Kadamay kapag muli itong nagsagawa nang pang-aagaw ng bahay partikular sa mga housing units na nakalaan para sa mga sundalo at pulis.

Ito ang naging babala kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde sa gitna na rin ng ginawang pagtatangka ng nasa 500 miyembro ng Kadamay na illegal na okupahan o tirhan ang sinugod na housing pro­jects ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal .

“They can be arrested for that, whether there is an order or not eh kung makita naman talaga natin na basta -basta nila pinapasukan yung ari-arian ng may ari-arian o bahay ng may bahay that’s trespassing”, anang PNP Chief na sinabing isa itong paglabag sa batas.

Sinabi ni Albayalde na handa silang magbigay ng suporta sa National Housing Authority (NHA) upang bigyang proteksyon ang mga pabahay ng gobyerno laban sa Kadamay na nagtatangkang illegal itong agawin sa lehitimong may-ari.

Ayon pa kay Alba­yalde na hindi na nila muling papayagan na muling okupahin ng mga kinauukulan ang ilang pang pabahay ng gobyerno na nakalaan para sa mga unipormed personnels ng PNP tulad ng ginawa ng grupong Kadamay sa Pandi, Bulacan noong Abril 2017.

Sa kabila nito ay hindi pa natatapos ang isyu ng pang-aagaw ng mga pabahay ng gobyerno ng grupo ng Ka­damay dahil nagbanta ang mga ito na hindi titigil sa paghahanap ng mga housing pro­jects na walang umoo­kupa upang magkabahay umano ang hanay ng mga maralitang katulad nila sa lipunan.

KADAMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with