Kadamay sumalakay ng pabahay

Nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang salakayin ng grupong Kadamay na militante lulan ng 5 jeep at ilang motorsiklo ang mga bakanteng pabahay na walang gate at inangkin ng mga ito.
MICHAEL VARCAS

MANILA, Philippines — Muli na namang suma­lakay ang tinatayang nasa 500 miyembro ng Urban poor group na Kadamay nang agawin ang pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, kahapon ng umaga.

Nabatid na dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang salakayin  ng grupong Kadamay na militante lulan ng 5 jeep at ilang motorsiklo ang mga bakanteng pabahay na walang gate at inangkin ng mga ito.

Subalit, dakong alas-2:30 ng hapon ay umalis din ang Kadamay sa mga bahay na kanilang sina­lakay.

Magugunita na noong nakalipas na taon ay ­inokupa rin ng grupo ang isang housing project para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan at para wala nang gulo ay ibinigay na lamang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bahay sa kanila.

Subalit, nagbabala ang Pangulong Duterte na huwag na ulit gagawin ang kanilang ginawa.

Show comments