MANILA, Philippines — Muling nagpatupad sa pangalawang pagkakataon price rollback ang mga oil companies ngayon Araw ng Kalayaan.
Nanguna ang kumpanyang Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Eastern Petroleum at Flying V na epektibo ng alas-12:01 ng madaling araw ang pagpapatupad ng P0.55 kada litro ng gasolina, P0.60 kada litro sa kerosene at P0.60 kada litro ng diesel.
Sumunod ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at PTT Philippines na nagbaba ng presyo sa kaparehonh halaga ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad na halaga.
Ang pagbaba sa presyo ng langis ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Huling nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis ay noong Hunyo 3.