3 Russian warships dumaong sa Maynila
MANILA, Philippines — Tatlong Russian warships ang dumaong kahapon sa South Harbor sa lungsod ng Maynila para sa limang araw na goodwill visit nito sa bansa.
Ayon kay Captain Lued Lincuna, Director ng Philippine Navy Public Affairs Office, kabilang sa mga barkong pandigma ng Russia ay ang Russian Navy Large Anti-Submarine ships Admiral Tributs (564), Admiral Vinogradov (562) at ang Large Sea Tanker Pechenga.
Mananatili ang mga nasabing barkong pandigma ng Russia hanggang Hunyo 14, ayon sa opisyal.
Sinabi ni Lincuna na ang Russian Navy contingent ay pinamumunuan ni Captain Oleg Korolev na ikinagalak ang pagsalubong ng Philippine Navy sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan sanhi ng masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Domeng.
Sinabi ni Lincuna na ito ang kauna-unahang pagbisita ng Russian Navy sa taong ito at ika-anim simula noong 2012.
Magugunita na una nang bumisita sa bansa noong Enero 2017 ang Admiral Tributs at sumunod naman ang Admiral Vinogradov noong Oktubre na sinundan ng Pechenga noong Abril.
- Latest