Trillanes kinasuhan ng grave threat
MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng kasong grave threats si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras laban kay Senator Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Batay sa anim na pahinang complaint affidavit na inihain ni Paras, nakasaad dito na binantaan umano ng senador ang kanyang buhay nang magkita sila sa senate session hall noong nakaraang linggo.
Ayon kay Paras na sinabihan siya umano ni Trillanes na “Yayariin ito” na sa kanyang pagkakaintindi ay nangangahulugang “papatayin o tatapusin” siya ng senador.
Inakusahan din ni Paras na sinungaling si Trillanes, na una nang itinanggi na minura siya at pinagbantaan.
- Latest