MANILA, Philippines — Patay ang 4 na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District Station 3 sa Quiapo, Maynila kahapon.
Ayon kay Chief Insp. Leandro Gutierrez ng Plaza Miranda PCP, natunugan umano ng 4 na lalaki na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad itong nagpaputok ng baril, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.
Batay sa imbestigasyon ng MPD Station 3, kinilala ang mga napatay na sina Ariel Buenaventura, 45, Ryan Diwata, 35 Arnold Concido, 34 at isang alyas Dos.
Nadala pa sa ospital ang mga ito pero agad ding binawian ng buhay.
Na-recover sa crime scene ang apat na revolver, buy-bust money, at hindi pa mabatid na rami ng sachet ng shabu.