UST sinuspinde ang lahat ng fraternities at sororities
MANILA, Philippines — Kasunod nang pagkamatay ng UST law student na si Horacio “Atio” Castillo ng Aegis Juris Fraternity ay sinuspinde ng University of Sto. Tomas (UST) ang lahat ng mga fraternities at sororities sa kanilang campus ngayong Academic Year 2018-2019
Ito ang nakasaad sa memorandum na ipinalabas ni Office for Student Affairs (OSA) Director Ma. Soccoro S. Guan Hing na aniya’y paraan para mailayo ang kanilang mga estudyante sa panganib dahil sa pagsali sa anumang hazing activities.
Ipinag-utos din nito sa lahat ng mga fraternities at sororities na itigil ang recruitment at pagsasagawa ng aktibidad.
Namatay si Castillo noong Setyembre 17, 2017 habang sumasailalim sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity.
Ang pagkamatay ni Castillo ang naging daan upang amyendahan ng mga mambabatas ang anti-hazing law-Doris Franche-Borja-
- Latest