^

Police Metro

Bus hulog sa tulay: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa
Bus hulog sa tulay: 3 patay
Nawalan umano ng kontrol si Legaspi sa manibela hanggang sa tuluyang mahulog sa tulay ang bus na ikinasawi ng 3 pasahero at ikinasugat ng mga pasahero.
Freeman

Manibela inagaw ng pasahero...

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pasahero habang sugatan ang 40 iba pa matapos mahulog ang sinasakyan nilang bus sa ina­ayos na tulay sa Tanauan, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang tatlong pasahero na kinila­lang sina Brian Noterte, 30; Queenly Galagnara, 3; at Wendel Simbajon, 15.

Sa report ng Leyte Police Provincial Office (PPO), bago naganap ang malagim na trahedya dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng ginagawang Solano Bridge sa Brgy. Buntay ay binabaybay ng Philtranco Bus (ACA-9771) na may lulang 52 pasahero na minamaneho ni Edgardo Legaspi na patungo sanang Surigao del Sur nang ito umano ay mapagtripang agawin sa kaniya ng binatilyong si Simbajon, ang manibela.

Nawalan umano ng kontrol si Legaspi sa manibela hanggang sa tuluyang mahulog sa tulay ang bus na ikinasawi ng 3 pasahero at ikinasugat ng mga pasahero.

Patuloy namang iniim­bestigahan ng pulisya ang alibi ng driver matapos na ituro ang binatilyo na siyang may kasalanan sa nangya­ring trahedya.

vuukle comment

PHILTRANCO BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with