^

Police Metro

Deployment ban sa Kuwait binawi na

Rudy Andal - Pang-masa
Deployment ban sa Kuwait binawi na

MANILA, Philippines — Tuluyan nang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban ng Pinoy workers sa Kuwait nang atasan nito si Department of Labor and Employment (DOLE) Se­cretary Silvestre Bello III.

Nitong Martes, Mayo 15 ay unang inalis ang deployment ban sa semi-skilled at skilled workers na patungong Kuwait.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang utos ng pa­ngulo na alisin na ang total ban ng Pinoy workers sa Kuwait ay kasunod ng rekomendasyon ni special envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Sa datos na nakalap ng Philippine Association of Agencies for Kuwait, nasa 20,000 manggagawa ang naapektuhan ng tatlong buwang deployment ban.

Sa bilang na ito, 60 porsiyento o 12,000 ay mga household service worker (HSW).

Magugunita na ipinag-utos ni Duterte noong ­Pebrero ang pagpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait matapos ang serye ng mga ulat ng pang-aabuso at pagkamatay ng mga overseas Filipino worker (OFW) doon, kabilang si Joanna Demafelis na natagpuang bangkay sa loob ng freezer.

Hinihinalang isang taon nang patay si Demafelis nang matagpuan ang kaniyang bangkay.

Bukod sa paglagda sa memorandum of understanding (MOU), isa ang hustisya para kay Demafelis sa mga kondisyon noon ng Pilipinas bago ikonsidera ang pag-alis sa deployment ban.

Noon ding Pebrero, nahuli ng mga otoridad ang mag-asawang Lebanese at Syrian na employer ni Demafelis at mga suspek sa pagkamatay ng OFW.

Sa unang pagdinig ng kanilang kaso, sinentensiyahan agad ang mag-asawa ng bitay.

Inanunsiyo rin ni Roque noong Sabado, Mayo 12, na bumalik na sa normal ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos magkaroon ng hidwaan dahil sa kontro­bersiyal at hindi otorisadong pagsaklolo ng ilang tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga inabusong OFW.

Ikinagalit ng Kuwait ang pangyayari at itinuring itong paglabag sa kanilang soberaniya, dahilan para mapalayas ang dating ambassador doon na si Renato Villa.

PINOY WORKERS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with