Bong Go tumulong sa Parañaque fire victims

Nakiramay si Special Assistant to the President Bong Go sa mga namatay sa naganap na sunog kamakailan sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

MANILA, Philippines — Labis ang pasasalamat ng mga residenteng nasunugan sa Bahay na Bato sa Barangay Tambo, Parañaque city sa pagbisita sa kanila  ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Namahagi ng relief goods, pera at personal na gamit si Go sa 50 pamilyang nawalan ng bahay.

Maliban sa pamimigay ng relief goods, nakausap din nang personal ni Go ang pamilya ng 6 na namatay sa nasabing sunog kung saan binigyan ang mga ito ng financial at burial assistance.

Kabilang sa mga nakausap ni Go sina Marlon Amata na nawalan ng asawang si Anna Dona Agrasad, 26 anyos at dalawang anak na sina Jake, 6 anyos at Angelo Amata, 3 anyos.

Gayundin si Josesel Canaria na nawalan ng asawa at dalawa ring anak na kinilalang sina Jomarie Canaria, 8 anyos at Daniel Canaria, 9 anyos.

Nakadagdag sa pagkalungkot ni Go sa nangyari nang malaman niyang kabilang sa mga nasawi sa sunog ang apat na bata.

Bago ito ay unang dinalaw ni Go ang mga nasunugan sa Balara, Quezon City kung saan din siya namahagi ng relief goods at iba pang tulong sa mga nawalan ng tirahan.

Show comments