Brodkaster patay sa ambush

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ay sakay ng motorsiklo ang biktima at binabagtas ang highway na sakop ng Brgy. Nuburan nang siya ay ratratin ng mga suspek na nakaabang sa kanya.
File

MANILA, Philippines — Sa ikalawang tangkang pagpatay ay nadale ang isang radio broadcaster nang pagbabarilin ng apat na lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Labangaan, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Carlos Matas, hosts ng Zambo News Patrol sa DXCA Bell FM at DXBZ Radyo Bagting na nakabase sa Pagadian City.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ay sakay ng motorsiklo ang biktima at binabagtas ang highway na sakop ng Brgy. Nuburan nang siya ay ratratin ng mga suspek na nakaabang sa kanya.

Nasamsam sa lugar ng crime scene ang mga basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril at M16 rifle.

Ayon sa pulisya na noong Mayo 8 ay nakaligtas ang biktima sa pag-ambush ng mga hindi pa kilalang mga suspek, iyon din ang mga bumaril sa kanya ng nasabing araw.

Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman ang pagpatay sa biktima sa kanyang trabaho.

Show comments