Parojinog Jr., inilipat sa Quezon City jail

MANILA, Philippines — Mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame ay inilipat na kamakalawa ng gabi sa Quezon City Jail si Reynaldo Parojinog Jr .

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi kamakalawa nang eskortan ng mga bantay nitong pulis sa PNP Custodial Center si Parojinog patungo sa Quezon City Jail.

Ang paglilipat ng detention sa batang Parojinog ay base sa commitment order na inisyu ni Judge Nadine Jessica Corazon Fama ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 79 na may petsang Mayo 9, 2018.

Si Parojinog ay anak ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, nasa narco list ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na napas­lang sa raid  ng pulisya matapos na umano’y manlaban sa mga otoridad.

Magugunita na si Mayor Parojinog at 14 iba pa kabilang ang misis nitong si Susan Engracia Parojinog ay napatay  matapos na umano’y manlaban sa mga otoridad sa raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 10 sa raid dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Brgy. San Roque, Ozamis City noong Hulyo 30, 2017.

Si Parojinog Jr. at kapatid nitong si Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog ay nasakote at ipiniit sa PNP Custodial Center.

Show comments