600 pang barangay officials kakasuhan

Sangkot sa drug trade...
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng DILG ang 600 pang barangay officials dahil sa umano’y pagkakasangkot sa droga at hindi nakipagtulungan sa drug war ng pamahalaan sa kabila ng pagkakatatag ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, matutulad sa 15 barangay officials ang 600 na una na nilang kinasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkabigong mag-organisa ng anti-drug councils sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Anya, ang 600 barangay officials ay hiwalay pa sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na una nilang inilutang ang mga pangalan.
Hindi rin naniniwala si Diño na 10 barangay officials lamang sa Metro Manila ang involved sa illegal drug trade sa bansa dahil karamihan na inilabas ang pangalan ay mula sa Bicol Region.
Hiniling na niya sa iba’t ibang law enforcement agency na isailalim sa masusing imbestigasyon ang lahat ng opisyal ng barangay na hindi kumilos at tumulong sa anti-illegal drugs operation ng mga otoridad.
- Latest