MANILA, Philippines — Kung sakaling umatras ang mga guro na magsisilbing mga Board of Election Inspectors (BEI) sa mga delikadong lugar kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14 ay handa umano ang mga miyembro ng PNP na humalili.
Ayon kay PNP Chief P/Director Oscar Albayalde na wala itong magiging problema sa kanilang hanay basta’t may go signal at hilingin ng Commission on Elections (Comelec).
Tinukoy ng PNP Chief na sa lalawigan ng Kalingay ay may ipinadala ng kahilingan sa kanila ang Comelec na ang mga pulis ang humalili sa mga guro sa mga polling precinct matapos na umatras na ang mga guro dito bunga ng pangamba sa seguridad mula sa kampo ng magkakalabang kandidato.