Sa pagkalagay sa cover ng Time Magazine... Pinoy hanga sa strong leadership’ ni Duterte
MANILA, Philippines — Dinepensahan kahapon ng Malacañang ang istilo ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na maanghang magsalita matapos na siya ay mailagay sa cover ng TIME Magazine sa May 14 international edition, kasama ang iba pang lider ng ibang bansa na umano na tinaguriang mga “strongmen.”
Ang pamagat ng cover story ay “The ‘Strongmen Era’ Is Here. Here’s What It Means for You” na isinulat ni Ian Bremmer na kung saan ay kasama rin sina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orban, at Turkey President Recep Tayyip Erdogan.
Inilarawan si Duterte sa magazine na isang “dating mayor na magsalita ay parang isang mob boss kesa sa pagiging pangulo sa pangako nito na wawasakin ang lahat ng kalakalan ng droga sa bansa.
Iginiit pa ni Roque, kahit mayroong slant ang artikulo sa Time Magazine ay naipamalas ng Pangulo ang pagiging matatag at decisive leadership nito.
“Regardless of slant, President Rodrigo Roa Duterte has demonstrated strong and decisive leadership – a quality appreciated by Filipinos as evidenced by the Chief Executive’s high satisfaction, approval, trust and performance ratings,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kaya’t naniniwala ang Malacañang na ang matatag at hindi mapag-alinlangan na pamumuno ni Duterte ang kalidad na hinahangaan ng mga Filipino. Patunay, anya dito ang mataas na trust and performance ratings ni Pangulong Duterte sa halos 2 taong pamumuno nito.
- Latest