MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ngayong linggo ang mahigit 70 opisyales ng barangay dahil sa kabiguang mag-organisa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs C, walang isinusumiteng BADAC reports ang mga barangay chairpersons kaya’t sasampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.
Matapos aniyang maisumite ang reklamo, maglalabas na rin ang DILG ng listahan ng mga barangay officials na bigong bumuo ng BADAC.
Inaasahan din aniyang ngayong araw na ito ay ilalabas na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang beripikadong listahan ng mga barangay officials na sangkot sa illegal na droga.