^

Police Metro

FDA binalaan ang netizens sa pagbili ng 3 produkto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Food and Drugs Authority (FDA) sa mga netizens na huwag bumili ng tatlong produkto na may pa­ngako na magiging malusog ang katawan kapag ito ay ininom.

Sa FDA Advisory No. 2018-126, tinukoy nito ang mga ipinagbabawal na produkto na Lite 16in1 Premium Green Coffee Mix, Lite 16in1 Premium Health Drink at Lite 16in1 Premium Health Drink, Tropical Fruit Flavor.

Sinabi ng ahensya na lahat ng pangako ukol sa kalusugan ng naturang mga produkto ay “false, deceptive, and misleading.” Dahil sa hindi pa umano dumaan sa ebalwasyon at pagsusuri ang naturang mga produkto kaya hindi garantiya ang kalidad at kaligtasan nito.

Base sa mga ads sa iba’t ibang pages at groups sa Facebook, sinasabi na nakakatulong ang naturang produkto sa pagpapababa ng timbang, maayos na presyon ng dugo, blood sugar levels, cholesterol level, mataas na enerhiya, maayos na pagdumi at iba pa.

Ayon sa FDA, maaari umanong magdulot ng posibleng problema sa kalusugan ang pagkonsumo ng naturang mga produkto.

Ang sinumang mahuhuling patuloy na nagbebenta ng naturang mga produkto ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009).

FOOD AND DRUGS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with