Tulay bumigay...
MANILA, Philippines — Nagmistulang katawatawa ang nangyari sa dalawang kongresista, isang mayor at kanilang mga staff matapos na sila ay malaglag sa maputik at maduming dagat nang bumigay ang tulay na kahoy na kanilang tinutungtungan sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.
Ang mga nahulog ay sina Housing and Urban Development Committee chairman Rep. Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso Lobregat, Zamboanga City Mayor Beng Climaco-Salazar at ang kanilang mga staff at security.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente bandang alas-10:00 ng umaga ay magsasagawa sana nang pagsusuri ang mga opisyales sa housing projects para sa mga Badjao sa nasabing lugar upang patunayan ang reklamo na substandard ang iginawad sa kanilang bahay ng National Housing Authority (NHA).
Habang naglalakad sa tulay na kahoy ay bigla na lamang itong bumigay dahilan para lahat sila ay malaglag sa maburak na dagat.