Duterte bababa sa puwesto

Ito ang binitiwang pahayag ni Duterte sa kanyang pagbisita sa Buluan, Maguindanao kamakalawa sa inilunsad na balik-baril program ng gobyerno.
Rolando Mailo/Presidential Photo

Kapag hindi naipasa ang BBL...

MANILA, Philippines — Handa umanong lisanin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang puwesto sa buwan ng Mayo kapag hindi naipasa sa Kongreso at Senado ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang binitiwang pahayag ni Duterte sa kanyang pagbisita sa Buluan, Maguindanao kamakalawa sa inilunsad na balik-baril program ng gobyerno.

Malaki ang paniniwala ni Duterte na ang BBL ay sagot sa matagal ng kaguluhan at kahirapan sa Mindanao tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan.

Nais din ni Duterte na isulong ang Mindanao Reform Land para mas lalong mapaunlad pa at maiangat ang ekonomiya sa Mindanao.

Nanguna ang Presidente sa paglulunsad ng Balik Baril Program kung saan iprinisinta ni Ma­guindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang 900 loose firearms na isinuko ng mga sibilyan at ng mga lokal opisyal sa iba’t ibang bayan ng probinsya.

Namigay din ng livelihood assistance ang Pa­ngulo at si Mangudadatu sa apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko sa militar sa Maguindanao.

Ang lalawigan ng Maguindanao ang na­ngunguna ngayon sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga loose firearms katuwang ang pulisya at Joint Task Force Central sa pamumuno ni 6th ID chief, Major Arnel dela Vega.

 

Show comments