MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon sa Plaza Independencia, Cebu City.
Kinilala ang biktima na si PO2 Kenneth Pogoy, 34, tubong Brgy. Ermita, Cebu City na dating nakatalaga sa Parian Police Precint sa Marawi City.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay kagagaling lamang ng biktima sa paglilitis ng korte sa Qimonda IT Center, North Reclamation Area nang biglang sumulpot ang isang salarin na sakay ng motorsiklo.
Sinundan ng salarin ang behikulo ng biktima at pagsapit sa kahabaan ng M.J. Cuenco Avenue, Cebu City ay pinagbabaril ito. Mabilis na tumakas ang suspek.