^

Police Metro

Disiplina, solusyon sa kaunlaran ng bansa

Pang-masa
Disiplina, solusyon sa kaunlaran ng bansa
Kamakalawa ay pina­ngunahan ni Goitia at kanyang mga River Warriors na linisin ang malahalimaw na basura sa ilalim ng Sevilla Bridge sa pagitan ng mga lungsod ng Mandalu­yong at San Juan City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang taumbayan na pairalin ang disiplina upang mapigilan ang labis na pagtatapon ng mga basura sa daluyang tubig at tributaryo ng Ilog Pasig.

Kamakalawa ay pina­ngunahan ni Goitia at kanyang mga River Warriors na linisin ang malahalimaw na basura sa ilalim ng Sevilla Bridge sa pagitan ng mga lungsod ng Mandalu­yong at San Juan City.

“Hindi kaya ng mga local government units ang paglilinis ng sobrang dami ng basurang ito. Pati ang MMDA (Metro Manila Development Authority), hirap na rin. Kaya nakikiusap kami sa taumbayan, tumulong naman sila at igalang ang kalikasan,” pahayag ni Goitia.

Iginiit pa ng PRRC head na matibay na di­siplina lamang ang dapat pairalin ng mamamayan upang hindi na masalaula ang  kalikasan.

“Nakikiusap ako sa ating mga kababayan, mahalin natin ang ating kalikasan. Hindi natin makakamit ang lubos na tagumpay at magiging mahirap para sa atin kung hindi makikiisa ang mga Pilipino sa mga layunin ng ating mahal na Pa­ngulong Rodrigo Duterte tungo sa pagbabago,” hiling pa ni Goitia.

SEVILLA BRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with