MANILA, Philippines — Magtatayo ang Duterte administration ng panibagong youth award at ititigil na ang partnership nito sa TAYO Youth Awards ni Sen. Bam Aquino.
Ito ang inihayag ni National Youth Commission officer-in-charge Ronald Cardema sa media briefing sa Malacañang sabay paghimok sa mga kabataan na lumahok sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) elections.
“As of the moment, there are about 79,000 who filed COCs for SK positions. Bawal ang kamag-anak ng kahit sinong elected official na tumakbo sa SK,” dagdag pa ni Cardema.
Nilinaw din ni Cardema na hindi lamang sa LGBT concerns itutuon ng NYC ang kanilang mga programa kundi palakasin ang kabataan upang maging katuwang sa nation building.
Inihayag din ng NYC ang kanilang pagsuporta sa policy ni Pangulong Duterte na gawing mandatory ang ROTC sa college, CAT at scouting sa high school.