Pinas, isa sa may pinakasiksikang silid-aralan sa Asya

Mas siksikan ito kumpara sa 31.7 class size elementary school sa Malaysia, 23.6; sa Japan, 22.9 sa Thailand at 40 sa India.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Act Teachers Rep. Antonio Tinio na base sa datos ng Unesco Institute for Statistics na ang Pilipinas ang isa sa may pinaka-siksikang silid aralan sa buong Asya na ang average class size ng elementary school sa bansa ay 43.9.

Mas siksikan ito kumpara sa 31.7 class size elementary school sa Malaysia, 23.6; sa Japan, 22.9 sa Thailand at 40 sa India.

Mas malala pa umano ang sitwasyon sa Public Hogg School dito sa bansa dahil umaabot ang average class size dito sa 56.1 na estudyante.

Sinabi pa ng kongresista na ang mga klase ay umaabot ng 60 hanggang 80 ang mag-aaral at isa ito sa dahilan ng paghina ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kaya minamadali na ng Kamara ang deliberasyon sa panukala ni Tinio na limitahan sa 35 ang bilang ng mag-aaral sa standard class at kung hindi maiiwasan ay pwedeng paabutin sa limampu ang nasa isang klase at hindi na puwedeng hihigit pa dito.

Kung ang klase ay lalagpas na ng 35 estudyante, ang guro na nakatalaga dito ay bibigyan na ng honorarium na katumbas ng isang porsiyento ng kanyang daily rate para sa bawat estudyante na sosobra sa standard class size na 35.

Show comments