Mahigit 80,000 tatakbo sa barangay at SK elections

Sa nasabing bilang, 60,992 ang mga naghain ng kandidatura para sa barangay kung saan 8,202 ang kumakandidato para sa posisyon ng Barangay Chairman habang 52,790 naman ang kandidato para sa posisyon ng Barangay Kagawad.
Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Base sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (Co­melec) ay umabot na sa 80,748 ang naghain ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa ibat ibang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 60,992 ang mga naghain ng kandidatura para sa barangay kung saan 8,202 ang kumakandidato para sa posisyon ng Barangay Chairman habang 52,790 naman ang kandidato para sa posisyon ng Barangay Kagawad.

Para naman sa SK Elections, kabuuang 19,756 COCs na ang naihain kung saan 4,443 ang tumatakbo sa pagka-chairman, habang 15,313 ang kumakandidato sa pagiging kagawad.

Ang kabuuang bilang ng mga botante para sa BSKE ay mahigit 78 milyon kung saan 57.3 milyon ay mga botante sa barangay elections, habang 20.6 milyon naman ang botante para sa SK.

Ang paghahain ng COCs ay nagsimula kahapon at ito ay tatagal hanggang April 28, 2018.

Show comments