Comelec ipapatupad ang anti-dynasty sa barangay at SK elections
MANILA, Philippines — Ipapatupad sa kauna-unahang pagkakataon ng Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ang anti-dynasty provision.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, na kailangan na ilagay ng mga SK candidates sa kanilang certificates of candidacy o COC na wala silang relasyon sa mga kasalukuyang barangay officials at elected government official.
Matatandaang pinirmahan ni dating pangulong Benigno Aquino ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kung saan kabilang ang anti-dynasty provision.
- Latest