Lola nasunog nang buhay sa bahay

MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na lola ang nasawi matapos na makulong sa nasusunog niyang kubo kamakalawa ng gabi sa Sitio Palomera, Brgy. Poblacion 6, Sariaya, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:40 ng gabi nang masunog ang kubo ng biktima noong Linggo ng gabi at dito ay nagsisigaw ng tulong sa kapitbahay.

Agad na tumulong ang kapitbahay sa pamamagitan nang pagbuhos ng tubig, subalit lalong naglagablab ang apoy hanggang sa tuluyang lamunin ang kubo.

Kinabukasan ay natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang napabayaang nakasin­ding gasera ang dahilan nang pagkasunog ng kubo.

Show comments