NPA banta sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. ­Benjamin Madrigal lalo na ang mga nasa malalayong lugar.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Banta sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) terrorista.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. ­Benjamin Madrigal lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Paliwanag  ni Madrigal, tiyak na tatangkain ng mga NPA na impluwensiyahan  ang mga kandidato na posib­leng mananalo.

Bukod dito minomonitor na rin umano ng militar kung sino ang mga kandidato na sinusuportahan ng nasabing teroristang grupo.

Sa ngayon ay wala pa umanong namomonitor ang militar dahil mag-uumpisa pa lamang ang kampanyahan.

Ngayon ay aktibo pa rin ang militar sa mga lugar na inaasahang magiging magulo at patuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga teroristang grupo.

Show comments