Headlights ng motor dapat laging bukas-solon

Layunin ng panukala na maiwasan ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa pamamagitan ng pagbubukas ng headlight araw man o gabi.
CC SplitShire/Stock

MANILA, Philippines — Lagi na dapat nakabukas ang headlights ng mga motorisklo habang tumatakbo sa mga lansangan.

Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Transportation ang House Bill 1318 o ang “Mandatory Automatic Headlights On for Motorcycles Act” na iniakda ni Rep. Mariano Michael Velarde Jr.

Layunin ng panukala na maiwasan ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa pamamagitan ng pagbubukas ng headlight araw man o gabi.

Sa ganitong paraan ay madali umanong makikita ang mga motorsiklo at maiiwasan ang banggaan at mapoprotektahan ang mga drivers, pasahero at operators nito.

Nakasaad din sa panukala na dapat siguruhin ng lahat ng manufacturers, assemblers at distributors ang Automatic Headlights On System, mechanism or device ay naka-install bago ibenta ang mga motorsiklo.

Pagmumultahin ng P1,000 hanggang P2000 ang sinumang lalabag na motorista, driver, owner at operator na hindi gagamit ng headlights sa unang paglabag, P2,500- P3,000 para sa ikalawang violation at minimum na  P3,500-P5,000  at pagsuspinde sa lisensya ng driver  sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.

Show comments