Trike driver dakip sa gun ban
MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang dinakip ng mga pulis matapos lumabag sa gun ban sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa ng gabi.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Lyndon Lomtong Satorret, residente ng naturang barangay, ay mahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Sa ulat, nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang mga tauhan ng Pasig City police dakong alas-10:50 sa Eusebio Avenue, Barangay Pinagbuhatan nang dumaan ang tricycle na minamaneho ni Satorret na walang plaka kaya’t sinita ito. Nang suriin ang tricycle ay nakita na may dala itong icepick.
Matatandaang simula alas-12:01 ng madaling araw ng Abril 14 ay sinimulan na ng Comelec at Philippine National Police ang paglalagay ng mga checkpoint sa iba’t ibang istratehikong lugar, kaugnay nang ipinatutupad nilang gun ban para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa May 14.
- Latest