MANILA, Philippines — Bagama’t bumaba ng bahagya ay ikinatuwa pa rin ng Malacañang na napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘very good’ satisfaction rating nito sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Ayon pa kay Presidential Spokesman Harry Roque,ang mataas na pagtitiwala sa liderato ni Pangulong Duterte ang naging inspirasyon ng gobyernong Duterte para tuparin ang kanyang mga pangako sa taumbayan na corrupt-free na bansa ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang liderato.
Sa isinagawang survey ng SWS nitong Marso 23-27 sa may 1,200 respondents ay 70 percent ng mga Filipino ang kuntento sa pamamahala ni Pangulong Duterte habang 14 % naman ang hindi kuntento at 17 percent ang undecided.
Mas mababa ang net satisfaction rating ngayon ng Pangulo na + kumpara sa +58% rating nito noong Disyembre 27 pero nanatiling ‘very good’ pa rin ito.
Tumaas ng 2 puntos ang satisfaction ratings ni Pangulong Duterte sa Mindanao mula sa 80% ay naging 82 percent na ito habang mula sa good ay naging very good naman ang ratings ng Pangulo sa Metro Manila habang sa balanced Luzon ay +39 percent naman at +65 sa Visayas.
Nanatili pa rin ang very good ratings ng Pangulong Duterte sa class D o masa habang very good pa rin ang resulta ng survey sa Pangulo sa class A, B at C. Pero bumagsak sa good mula sa very good ratings naman ang Pangulong Duterte sa Class E.