^

Police Metro

Kayang gumawa ng 25 kilo kada araw... 4 chinese arestado sa shabu lab raid

Mer Layson - Pang-masa
Kayang gumawa ng 25 kilo kada araw... 4 chinese arestado sa shabu lab raid
Binabaklas ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu laboratory na matatagpuan sa Hingoso Farm, Barangay Sto. Niño, Ibaan, Batangas City. Naaresto rito ang dalawang Chinese chemists na kinilalang sina Tian Baoquan, at Guo Zixing; at mga kasamang Pinoy na sina Eduardo Lorenzo, 59; Rosaleo Cesar, alias Leo, 49; at Amancio Gallarde.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Walong katao kabilang ang apat na Chinese natio­nal na chemist ang naaresto ng mga tauhan ng PDEA nang salakayin ang isang tagong shabu laboratory sa loob ng isang farm sa Ibaan, Batangas, kahapon ng umaga.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Tiang Baoquan;Gui Zixing; Hong Dy; at Xie Jian­sheng, pawang mga che­mist at Chinese national; mga Pinoy na sina Eduadro Lorenzo, Rasalio Cesar, Amancio Gallarde at Nestor Baguio na mga tuahan sa loob ng farm.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormas­yon ang PDEA mula sa Chinese counterparts nila hinggil sa kinaroroonan ng shabu lab na makikita sa loob ng nasabing farm.

Ilang araw tinatrabaho ang natanggap  na impormasyon hanggang isagawa ang pagsalakay at naaktuhan ang mga Chinese na nagtitimpla ng iba’t ibang liquid chemical.

Ang shabu laboratory ay kayang gumawa ng 25-kilo ng droga na aabot sa P 125 milyon kada araw-kung hindi natuklasan.

Nasa 1.3 ektarya ang farm na may babuyan at manukan sa loob nito upang hindi mapansin ng mga residente na may shabu laboratory.

Nasamsam ng PDEA ang mga drum na liquid chemical, lutuan, high tech na laboratoryo at iba’t ibang sangkap sa paggawa ng droga.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with