^

Police Metro

10 BIFF todas sa airstrike operations

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa isinagawang airstrike operations kaugnay ng patuloy na opensiba ng militar laban sa teroristang grupo sa Central Mindanao.

Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, Commander ng 6th Civil Military Operations (CMO) Regiment at Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Central nagsimula ang airstrike nitong Lunes laban sa grupo ni BIFF Commander Bungos sa Brgy. Pamalian at Brgy Pagatin;pawang sa Shariff Saydona Mustapha, Maguin­danao.

Naglunsad ng air strike ang tropa ng militar sa loob ng halos isang oras laban sa tinatayang 30-40 BIFF figh­ters sa Brgy. Pagatin  kaugnay ng puspusang opensiba ng tropang gobyerno laban sa nasabing grupo na sangkot sa paghahasik ng tero­rismo sa Central Mindanao.

Si Bungos ay si Esmael Abubakar na humalili sa lider ng BIFF at founder na si Ameril Umbra kato na napatay sa assault operation ng tropa ng militar noong 2015. Ang BIFF ay tatlong paksyon na pawang naki­pag-alyansa at supporters ng mga internasyonal na teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with