^

Police Metro

‘Kamay na bakal’ sa pulis, tuloy

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pang-masa
‘Kamay na bakal’ sa pulis, tuloy
Sakop umano ng ­unang derektiba ng kalihim ay tugisin ang sinumang pulis na nagbibigay ng kahihiyan sa kanilang hanay lalo na ang mga AWOL, natutulog, non-performing, umiinom habang naka-duty, at lahat ng pasaway na pulis.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Upang tuluyang malinis at maalis ang mga bugok sa hanay ng mga pulis, ipagpapatuloy umano ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang pagpapatupad ng ‘kamay na bakal’ sa oras na siya ay maupo bilang Philippine National Police (PNP) chief Director.

Ito ay matapos na iha­yag sa kanya ang unang utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año na linisin at disiplinahin ang kapulisan sa sandaling maupo siya sa puwesto.

Sakop umano ng ­unang derektiba ng kalihim ay tugisin ang sinumang pulis na nagbibigay ng kahihiyan sa kanilang hanay lalo na ang mga AWOL, natutulog, non-performing, umiinom habang naka-duty, at lahat ng pasaway na pulis.

Nagbabala naman si Albayalde sa mga pulis hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa buong bansa na magpakatino na kung gusto pang manatili sa serbisyo sa pambansang pulisya.

Inumpisahan na umano niya ito sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) kabilang ang pagsibak sa buong puwersa ng Caloocan City Police na ipinasailalim niya sa ‘re-training’, pagsibak sa puwesto sa tatlong hepe ng pulisya kamakailan, at surpresang pag-inspeksyon sa mga istasyon tuwing gabi at madaling araw.

Upang maipagpatuloy ito, paiigtingin pa umano ang ‘counter-intelligence’ upang matukoy ang mga pulis na pasaway partikular na sa iligal na droga.

Sa tala ng NCRPO, mula 2016 ay nasa 279 pulis na ang na-dismiss sa serbisyo, 829 ang nasuspinde, 99 ang na-demote, at 365 ang naitapon sa Mindanao.

Samantala, sinabi ng heneral na hindi niya maipapangako na hindi magi­ging madugo ang kampanya kontra iligal na droga ng PNP sa kanyang pag-upo sa puwesto.  Iginiit niya na kailangang ipagtanggol pa rin ng mga pulis ang sariling buhay kapag nalagay sa panganib.

NCRPO

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with