Computer technician na pumatay sa kostumer, tugis
CEBU, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang computer technician na nanaksak at nakapatay sa kanyang kostumer sa loob ng isang kilalang mall sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, inatasan niya ang kanyang mga tauhan na huwag tumigil sa paghahanap sa suspek na si Leo Laab, nasa hustong gulang at head technician ng isang computer repair shop sa isang kilalang mall.
Si Laab ang siyang responsable sa walong beses na pananaksak at pagpatay sa kanilang kostumer na si Geroldo Ramon Querijero, 56.
Sinabi ni Eleazar, bumuo siya ng manhunt team na pinamumunuan ni P/Sr. Inps. Benjamin Mayor ng QCPD station 2 laban kay Laab.
May dalawang lugar ng natukoy ang grupo ni Mayor na posibleng pinagtataguan ni Laab pero humiling na huwag nang banggitin upang hindi masunog ang kanilang ginagawang manhunt operation.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil hindi umano ibinigay ni Laab ang laptop kay Querijero nang wala itong maipakitang job order o claim stub na nagresulta para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
- Latest