^

Police Metro

Mocha Uson kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pang-masa
Mocha Uson kinasuhan sa Ombudsman
Ayon kay Bas Claudio-secretary general ng Akbayan Youth UP-Diliman na pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan ang ipinasasahod kay Uson lalupa’t mula ito sa buwis ng mamamayan gayung wala naman umano itong ginawa sa kanyang puwesto kundi magpakalat ng maling balita sa mga tao.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinampahan ng Akba­yan Youth ng administra­tibo sa Ombudsman si Asst.Secretary Mocha Uson dahil umano sa pagkakalat nito ng umanoy mga maling impormasyon sa mga tao habang naninilbihan sa pamahalaan.

Kinasuhan si Uson ng reklamong gross misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of public service dahil sa pagpapakalat umano ng opisyal ng ma­ling balita sa kanyang facebook page na Mocha Uson Blog habang naka-upong asst secretary ng Presidential Communications Operation Office (PCOO).

Ayon kay Bas Claudio-secretary general ng Akbayan Youth UP-Diliman na pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan ang ipinasasahod kay Uson lalupa’t mula ito sa buwis ng mamamayan gayung wala naman umano itong ginawa sa kanyang puwesto kundi magpakalat ng maling balita sa mga tao.

Sa pahayag naman ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra sa media briefing sa Malacañang na tiwala silang kayang depensahan ni Asec. Uson ang kanyang sarili mula sa alegasyon nagpapakalat ito ng fake news.

“She’s consistently denied it so I’ll take her word for it. As a fellow worker, I’ll take her word for it,” dagdag pa ni Guevarra pero inamin na hindi niya nababasa ang mga posts ni Uson sa kanyang popular blog na mayroong 5 milyong followers.

AKBAYAN YOUTH

MOCHA USON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with