^

Police Metro

3 patay sa riot sa sabungan

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3 patay sa riot sa sabungan
Kinilala ang mga nasawi na sina Elmer Patiña at Glen Galvan; kapwa lider ng magkalabang grupo at isang Victor Bravo.
File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao habang anim pa ang malubhang nasugatan matapos na mauwi sa riot ang pustahan sa loob ng isang sabungan sa Brgy. Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental nitong Biyernes Santo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elmer Patiña at Glen Galvan; kapwa lider ng magkalabang grupo at isang Victor Bravo.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima para malapatan ng pangunahing lunas na nakilala namang sina Alex Taburada, Edmund Galvan, Nemenio Bucog, Jeric Patiñia, Mark Glen Galvan at isang tinukoy lamang sa pangalang Peligrino.

 Sa report ni Chief Inspector Wilfredo Alarcon, hepe ng Canlaon City Police, nangyari ang rambulan ng dalawang magkalabang grupo sa sabungan sa lugar bandang alas-3:00 ng hapon.

Lumilitaw sa imbestigasyon, na ito ang ikalawang pagkakataon na nagkainitan ang magkalabang grupo dahilan sa pustahan sa nasabing sabungan.

Nabatid na kapwa nasa impluwensya ng alak nang mu­ling magkrus ang landas nina Galvan at Patiña na nauwi sa rambulan ng kanilang grupo kung saan ay nagsaksakan at nagpukpukan ang mga ito ng matitigas na bagay.

Sa naturang riot ay nasawi ang tatlo katao habang sugatan naman ang kanilang mga kasamahan na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

RIOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with