MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban kay Cebu City Mayor Tomas Osmeña dahil sa pagkakasangkot nito sa isang drug lord.
Ito ang siniguro ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II dahil sa hawak nilang affidavit mula sa isang saksi na nasa ilalim ng witness protection program na ang alkalde ay nasa payola ng drug lords.
Idinagdag pa ng DOJ chief, mismong ang witness na si Reynaldo Diaz alyas Jumbo ay nagsabi sa kanyang affidavit noong November 23, 2016 ang nagsasangkot kay Mayor Osmeña sa isang drug lord.
Si alyas Jumbo ay pinsan ng nasawing drug lord na si Jeffrey Diaz alyas Jaguar.
Batay sa affidavit ni Jumbo, tumanggap umano ng P2 milyon si Mayor Osmeña para sa hospitalization expenses noong 2013 at P5 milyon naman noong 2016 elections.
Mariing itinanggi naman ni Mayor Osmeña ang alegasyon laban sa kanya at wala umano siyang tinanggap na kahit isang sentimo mula sa nasawing druglord na si Jaguar at sinumang emisaryo nito.
Ang druglord na si Yawa ay si Rowen Torrefiel Secretaria na naka-base pero napatay sa Bohol noong Mayo 2016.