Pulis, sundalo inalerto vs NPA anniversary attack

“While all PNP units are now presently preoccupied with our public safety operations for the Holy Week, I am remin­ding all unit commanders to fortify community defenses and step-up target-hardening measures in isolated police posts and government installations as a proactive measure against possible hostilities.”, pahayag ni dela Rosa.
File

MANILA, Philippines — Inalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa ang lahat ng mga units ng pulisya habang pinaigting na rin kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang opensa laban sa posibleng pag-atake ng New People’s Army (NPA) kaugnay ng pagdiriwang ng ika-49 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng komunistang kilusan sa darating na Marso 29.

“While all PNP units are now presently preoccupied with our public safety operations for the Holy Week, I am remin­ding all unit commanders to fortify community defenses and step-up target-hardening measures in isolated police posts and government installations as a proactive measure against possible hostilities.”, pahayag ni dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa base sa kasaysayan ay karaniwan nang nagsasagawa ng mga opensiba ang mga teroristang komunista bago at matapos ang anibersaryo ng mga ito partikular na sa kanilang mga balwarteng lugar sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi naman ni Lt. Col. Emmanuel Garcia, Chief ng AFP Public Affairs Office na puspusan din ang kanilang military operations alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero upang masupil ang karahasan ng mga teroristang komunista.

Binigyang diin ng opisyal na nakasanayan na nila ang ginagawang pagsalakay, pambobomba sa mga pasilidad ng gobyerno tuwing magdiriwang ng anibersaryo ang NPA kung kaya’t nanatili aniya ang kanilang pagiging proactive upang mahigpit na mabantayan ang mga pasilidad o instalasyon ng gobyerno at mapanatiling payapa at ligtas ang komunidad.

Show comments